Showing posts with label movies. Show all posts
Showing posts with label movies. Show all posts

Friday, May 15, 2009

PREMATURELY BURSTING MY WOLVERINE BUBBLE


PICTURED ABOVE: Wolverine & Sabretooth toys I bought in Toys R Us 3 years ago. My how time flew. Halos di ko na makita yung blog post ko where I posted these pics. Wala lang, just to prove na hindi ako nakikiuso porke may pelikula sya ngayon...

Hindi ko pa napapanood ang Wolverine movie ni Hugh Jackman. May deadline ako this tuesday at may gagawin pa ako sa sunday [sisimulan namin ng driver ko na maglinis ng kalat dito sa kwarto at sa kwarto ko sa itaas]. Malamang, kung papalarin, next sunday ko na ito papanoorin, at kung may oras, pati ang Star Trek.


I am a big Wolverine fan... Kumpleto ako sa digital comics nya, Meron akong Essential Wolverine volumes 1-3. Wolverine Saga 1-4, at napakadaming comics, graphic novel at TPB tungkol sa kanya. Yung pagka-forbidden love nila ni Mariko Yashida [I have the TPB version] was one of my old favorites dahil nung panahon na yun, yung girlfriend kong Koreana eh pinagkakait din sa akin ng pamilya nya. Hehe I also had a Wolverine shirt, saka nabili ko yung classic action figures nila ni Sabretooth dati sa Toys R Us.


Pero nung nabalitaan kong gagawan ng origin movie at live action pa, hindi naman ako ganung ka-excited sa kanya. Based on my EXGF Meo's review of the movie, mukhang masasatisfy ako pero as a Wolverine fan, parang maiirita lang din ako. Sa totoo lang kasi, wala akong nagustuhan sa mga XMEN movies [the trilogy] and while kamukha ni HJ si Wolverine, he is obviously too tall for the role.

Nakakatawa na lang yung mga babaeng fan na tuwang tuwa sa character na ito... as usual na-reduce na naman sa pagiging "fafa-ble" si Wolverine... Asus... kung talagang kilala nyo ang character na ito, you'd probably find him cool but definitely not a hunk... bakit ka naman mai-in love sa isang tao na mas matanda pa sa lolo mo?

Anyway, back to the movie I HAVEN'T seen yet... sana nga mali ako at matuwa ako sa kanya. Kaso as of late, disappointing naman talaga ang mga ganitong movie... PUNISHER WAR ZONE ang pinakahuling movie based on a comic na nagandahan ako. Everything else, even Michael Bay's Transformers was disappointing for me. Nakakatawa nga yung mga comment ng TF fans, libog na libog kay Megan Fox na parang ngayon lang sila nakakita ng babae. Eh kung nanonood ka ng CSI MIAMI, linggo-linggo may ganyan... Asus!

Mas okay pa para sa akin yung WOLVERINE & THE X-MEN animated series. Sana kasi magconcentrate na lang sila sa paggawa ng mas magagandang animated series/movies kesa pinipilit nilang pagkitaan ng Hollywood ang mga ganito. As a fan kasi, hindi mo naman maiiwasan na panoorin dahil fan ka nga nya, pero malamang madidisappoint ka lang tapos sasabihin mo sa sarili mong "Hindi naman yan ginawa para sa iyo, para sa mainstream yan."