Thursday, September 25, 2008

WHY I HATE GOING TO THE DOCTOR...

Nakakainis na nga yung fact na may sakit ka at madaming nagpapahirap sa katawan mo.

Mas nakakainis yung kelangan mong pumunta sa doctor para lang magpa-check-up.

Bakit?

Dahil kapag alam mong check-up na lang at titignan ka lang at malamang ay wala nang grabeng makikita o gamot na irereseta, you are JUST WASTING YOUR TIME. Magbabayad ka ng consultation para lang sabihin sa iyo na okay ka na.

Pero hindi pa yun ang pinakanakakabuwisit doon...

Siguro doktor lang ang trabaho na alam kong kumikita ka pa rin even if you ARE NEVER ON TIME at lagi mong pinaghihintay ng syam-syam ang pasyente mo. If you were a storeowner or own a business, it is a huge disservice to your customers kapag late kang magbukas ng tindahan. Pero ang mga doktor na ito, kahit 3-4 hours ma-late sa kanilang mga clinic at minsan ay di pa sumisipot, ang lalaki pa rin ng kinikita. At wala kang choice bilang pasyente dahil kahit lumipat ka ng doktor, ganun pa rin ang mae-experience mo dahil lahat sila ay ganyan!

Kagagaling ko lang sa aking check-up sa aking vascular surgeon sa kanyang clinic sa ospital. Dati ay okay pa sya dahil on time sya. 2 PM ang simula ng clinic hours, 2 PM ay nandun na sya. Pero after the first 2 appointments, lagi na syang late. minsan 30 mins, minsan 1 hour.

Today, inabot na talaga ng sukdulan. 1 hour nya akong pinaghintay tapos tatawag sya sa secretary nya na may emergency daw syang ooperahan at 4pm pa sya darating. Dahil lumabas ako ng bahay, nasunog ang stored calories ko at bumagsak ang aking bloodsugar. Hilo-hilo ako sa labas at napalamon ako sa Mcdo nang di oras. Malaman-laman ko, sa malayong ospital pala sya nago-opera at HINDI NA SYA DADATING. The other patient was irate. Matanda na kelan lang nadiagnose ng kidney failure [like me] at inaayos pa ang kanyang fistula sa braso. Inoffer ng secretary na patignan sya sa resident doctor pero ayaw pumayag ng patient dahil importante yung fistula nya. Oo nga naman!

Alam naman ng doktor na yan na karamihan ng mga pasyente nya ay may kidney failure, pinaghihintay pa nya. Hindi dapat pinaghihintay ang mga katulad namin dahil madali kaming mangawit because of our sickness. Paupuin mo lang kami ng 30 mins ay pagod na kami!

Pero ano nga ba naman ang aasahan naming mga pasyente nya? P500 lang ang kikitain nya kada appointment sa amin samantalang at least P30,000 ang professional fee nya kapag may inoperahan sya. Siguro sa isip-isip nya, saka na lang kami!

Sana may patakaran din ang mga ospital tulad ng mga SM Malls, na kapag bukas na ang mall at sarado pa ang tindahan mo, kada minuto na late ka ay may corresponding na multa.

Tuesday, September 16, 2008

BLOGGING AGAIN AFTER 5 MONTHS

Wow! Ang tagal ko nang di nagboblog!

2 more days and it would’ve been 5 whole months since my last post. Hindi ko alam kung ano ang nangyari, basta tinamad na akong magblog. Also, notice that Taglish na ang language ko, when I used to blog in English. Wala na akong pakialam. I will write in whatever I feel like…

It may be also ‘coz paiba-iba ang health conditions ko. Since july when I got hit by a major congestion and was suffering from chills, I felt really weak and hardly did anything. Hirap na maligo, kasi madaling malamigan. So I had to change the way I bathe. No longer do I take long showers. Well, it’s too complicated…

Anyway, I finally got my LCD TV, a 32” Sony Bravia thanks to my super generous Tita who bought it for my grandmother. You’re probably wondering bakit napunta sa akin eh sa lola ko yun. Well, it’s a hand-me-down. My lola didn’t like LCD TV’s kasi sobrang bright daw. So she downgraded to a flatscreen and I got the Bravia. It came with a macho DVD player and a home theater system. The best part is the DVD player can play DIVX files so my torrents play fine on it. AXXo’s movies play like original DVDS on this baby! I just watched Iron Man on it yesterday and it was wonderful.

Anyway, this post is mostly a rant about my disappointment with SURVIVOR PHILIPPINES. The pilot episode aired yesterday and I had such high hopes for it since it was licensed and not just a ripoff. However, it needed more quality control ‘coz it was so boring! Half the episode was introducing the castaways and each one was interviewed about what they will do with the money if they win. Wala namang ganun sa US version. Nasanay ako sa US version na may navo-vote out every episode. Sa local version, hindi lahat ng episode ay may tribal council. The episodes are cut up in very awkward segments, like right in the middle of a challenge!

Saka dito lang yata sa local version sobrang pampered ang castaways. I mean, sa first reward pa lang, namigay na ng camping equipment. Sa US version, machete lang ang ibibigay sa iyo at bahala ka nang gumawa ng titirhan mo. They were also given sandals, rain gear, and water! And I thought Pinoys had an easier time surviving in the wild, pero mas pampered pa ang castaways natin kesa sa Amerikano!

It may be too early to say, pero talo na ang palabas na ito. I would rather wait for Survivor Gabon which will start Friday next week in the States.