I don't know if you guys remember Chip Star, it's a snack na parang Pringle's potato chips. You may not remember it like this 'coz it was also sold in cardboard boxes. Nung nasa elementary at high school ako, ito ang lagi kong binibili sa canteen namin at pati sa grocery [kapag meron]. Mas malasa sya kesa sa Pringle's. I like all the flavors [original, nouri seaweed & chicken consomme] pero yung nouri seaweed ang favorite ko. Bihira nang makakita ng Chip Star ngayon at kung meron man, ang mahal pa. Nakakatsamba ako minsan sa mga lugar where Chinese/Japanese snacks are sold like DEC Food Plaza.
Ngayon ko lang nadiscover na may alternative pala sa nouri flavor ng Chip Star. Lay's Stax came out with a nouri seaweed flavor and it takes almost exactly the same. It's like reuniting with an old friend...
Mas panalo nga pala ang Lay's Stax kesa sa Pringle's. May tray sya sa loob para di madurog yung chips, saka para madaling makuha kapag nangangalahati na ang laman. This comes in handy especially if your hands are big like mine and can't fit into the can. Iba na rin ang lasa ng Pringle's ngayon. ewan ko ba! Sa ibang bansa na yata kasi gawa e. It just doesn't taste the same anymore. Nawala na rin yung mga lumang favorite flavors ko ng Pringle's like the light [1/3 less salt, in silver can], and rippled [ridge cut, in yellow can].
Yun lang. Makabalik na nga sa Heroes.