Thursday, March 12, 2009

KALEIDOSCOPE WORLD

Wala lang, maikli lang ito... just felt like mentioning it...

When Francis M died last friday, something came over me and I wanted to listen to some of his songs. I didn't listen to his songs much nung buhay pa sya, pero parang gusto kong pakinggan ngayon.

Kagabi, laman ng MP3 player ko ang Cold Summer Nights at Kaleidoscope World. Pinakinggan ko nang paulit-ulit habang nakasalang ako sa dialysis.

Ewan ko ba... hindi naman sad song yung KW pero parang nalulungkot ako when I hear it now, ewan ko kung baka dahil naaalala kong wala na sya. I am not really that attached to Francis M pero nalulungkot ako. Kahit nung napanood ko yung coverage ng libing nya kanina, parang ang lungkot nga naman.

Every color... every hue...

Friday, March 06, 2009

RIP: FRANCIS M.

Ang bilis kumalat ng balita.

Pumasok sa room ko ang maid namin at binalita sa akin na namatay na si Francis M. Tanghali ito kanina at nagiiyakan nga daw ang mga kasama nya sa Eat Bulaga. Pati lola ko na laging nanonood ng EB eh naiyak daw.

Last year ko pa alam na may leukemia si Francis M. Nainggit pa nga ako sa kanya kasi ang daming nagdonate ng dugo sa kanya. Nung panahon na yun, nangangailangan din ako ng dugo kasi ang dami ko nang utang na dugo sa blood bank ng The Medical City [coincidentally, doon din sya nagpapagamot] kasi kailangan ko ito because of my kidney failure.

Malungkot for me ang balita na wala na sya. While I am not exactly a big fan of his music, I always respected the guy. And I am not saying that porke sya ang laman ng balita ngayon. He and I share the same name, and people always call me Francis M as a joke, it shows how popular he is. Basta pangalang Francis, sya na ang naiisip ng tao.

One of the things I remember about him is his being a die hard Voltes V fan. Sa multiply account nya, kinunan pa nya ng pictures ang kanyang SOC Voltes V, swerte naman ng laruan nya at isang magaling na photographer si Francis M kaya nakunan ng magagandang pic ang robot na yun.

So kahit it's been said so many times whenever someone has passed away, Francis M is big loss to everyone. So katukayo, pinagluluksa kita.